Sakit ng tyan ko. Awww.
Category: Pinoy
Manila
Okay lang magbiyahe papuntang Metro Manila pero minsan sadyang nakakainis dahil siguradong may resbak sa akin ang biyahe. Taghiyawat sa mukha dulot ng madumi at mausok na paligid galing sa mga sasakyan, masakit na paa dahil sa malayuang lakaran, at wallet na walang laman dahil sa ilang beses na sakayan at mahal na bihilin kahit saan. Gayunpaman wala akong magagawa dahil ganun talaga sa Maynila, mausok, mahal ang bilihin, sa byahe palang nakaka-stress na. Sana lang talaga makahanap na ‘ko ng trabaho doon para mabawasan ang iniisip ko.
Dialogue
Ayos, sa wakas meron na akong pinoy post. Matagal ko na dapat itong ginawa pero medyo naging busy at tamad lang kasi ako kaya ngayon ko lang naisipang gawin. Noon ko pa balak mag lagay ng blog post na may kinalaman sa libro na tinatawag na Ang Paboritong Libro Ni Hudas na isinulat ni Bob Ong (BO). Kung hindi mo alam ang sinasabi ko magtanong ka sa mga kaibigan mo baka alam nila o di kaya e mag hanap ka sa dito ng kasagutan. Kung hindi mo pa nabasa ang nasabing libro ang mga susunod na dialogue ay iilan lamang sa mga mababasa mo. Masyadong marami kaya ilan lang ang napili ko at yan lang ang pwede dahil hindi pwedeng manghiram ng marami ayon kay BO.
<= => Saan?
<#> Sa langit po.
<= => Trabaho?
<#> Web designer po.
<= => Description.
<#> IT ho ‘yun. Nagde-design ng webpages.
<= => ?
<#> Webpages po..yung nakikita sa Internet.
<= => Para saan ‘yon?
<#> Para po sa Internet.
<= => Ano nga ‘iyon? -Bakit kailangan mo noon?
<#> Hindi ko po kailangan ko ‘yon. tagagawa lang ako.
<= => Oo nga.
<= => Ang tanong ko, bakit nga kailangan ng ganoon?
<#> Para po makita ka sa Internet.
<= => At pag nakita ka sa Internet..ano naman ngayon?
<#> Parang patalastas po iyon.
<= => Ahhh…
<= => Sa wakas nakuha ko rin…
<= => Talagang hindi tayo magkaintindihan.
<= => Next.
<#> Sandali…
<#> San ho ako pupunta?
<= => NEXT!
<**>Jim.
<= => ?
<**> Juliano Constantino de Guzman po.
<= => Ano ‘yon?
<**> Pangalan ko po.
<= => O, anong gagawin ko sa pangalan mo?
<= => Walang gamit ‘yan dito!
<= => Trabaho lang..sabihin n’yo sa akin kung ano ang trabaho n’yo dati sa lupa!
<**> A e, writer po.
<= => Anong writer?
<**> Gag show writer po.
<= => Ano ‘yun?
<**> Sumusulat po ako ng mga jokes para sa TV.
<= => Tapos…
<**> ‘Yun lang po.
<= => Tapos ano? Pano ka kumikita doon? Ano ang nangyayari sa mundo pagkatapos?
<**> Huh? Wala po…pinapatawa ko lang ang mga tao.
<= => Patawanin mo nga ako…
<**> Ha?
<= => …
<**> Gagawa ako ng skit?
<= => .
<**> H-Hindi pwede e…ummm…
<= => …
<**> Joke na lang!
<= => ..
<**> Sige…
<**> Anong tawag sa isdang hindi nababasa?
<**> Hehehe…
<= => NEXT!
<= => NEEEXT!!!
<.~.> Sa langit po.
<= => At ang trabaho?
<.~.> Tindera lang po.
<= => Bakit “lang”?
<= => Bakit mo ikinahihiya ang pagiging tindera mo?
<= => Mas mainam pa nga ‘yan kesa sa abugasya at pamumulitika.
<= => Ano ba ang tinda mo, mga karne o gulay?
<.~.> Hindi po eh.
<= => …
<.~.> Mga ano ho…
<= => ..
<.~.> Nagtitinda po ako ng Bust Enlarger. 2,600 pesos po ang isa. Kita naman agad ang resulta, mga dalawa hanggang tatlong linggo lang. Epektib. Tsaka pwede namang ibalik kung hindi ka kuntento..pero walang nagbabalik sa akin…kasi nga epektib!
<.~.> Meron din akong Nipple Pink Cream, 500 pesos lang. Pampaputi, tsaka pampakinis ng nipples. Eto, talagang mabili! Maski ako gumagamit ni-
<= => Nipple Pink-?
<.~.> Cream. Nipple Pink Cream ho. Safe s’ya, hindi ka magkakaroon ng-
<= => At Bust enlarger ba ‘ka mo?
<.~.> Oho.
<= => Sige diretso ka lang d’yan sa hallway.
<= => Tapos second door sa kaliwa.
<.~.> Second left, tapos liko sa hallway?
<= => Next.
<.~.> Left turn ho ba o kaliwa? Pang-ilang pinto?
<= => NEXT!!!
<_*_> Sa langit.
<_*_> Ramp, print, image model.
<= => Ano ‘yon?
<_*_> Nagsusuot ng iba’t-ibang damit,para bilhin ng tao.
<= => O, e dati pa namang nagdadamit ang mga tao ah!?
<_*_> Pero hindi lahat my style!
<= => ?
<_*_> Syempre, iba yung mga mamahaling damit na may tatak talaga!
<= => Tapos?
<_*_> Iba yung mga kilalang damit…
<= => …
<_*_> Mas maganda!
<_*_> Tsaka iba pag ako ang nagsuot.
<= => Bakit?
<_*_> Maganda ang katawan ko eh!
<_*_> Kaya bagay sa akin ang mga sinusuot ko!
<= => Tapos…?
<_*_> Bibilhin na nga mga tao ang mga damit na isinisuot ko.
<= => Dahil bagay sa’yo?
<_*_> Oo!
<= => Salamat.
<= => NEXT!
<_*_> Sandali, san na ‘ko ngayon pupunta?
<= => Next window.
<= => NEXT!
Hehe. Okay naman di ba? Kaya paborito ko yan eh. Kung nagustuhan mo bumili ka ng kopya at hindi ka magsisisi dahil hanep talaga ang mga isinulat ni BO.
Paalala:
Ang mga dialogue ay hindi basta-basta inilagay dito sa blog na ito dahil lang sa gusto ko. Meron po akong pahintulot mismo kay BO na manghiram sa nasabing libro. Totoo ba ang sinasabi ko? Oo, peksman! Tingnan mo man ang inbox ko!

Simple guy who lives a simple life. A programmer with random thoughts trying hard to be a blogger. That's just me I guess.